Posts Tagged ‘Dhona Agorilla’

 
NATAPOS ANG THESIS DAHIL…

…nandiyan si Papa at Mama na laging nagmamahal, umiintindi, sumusuporta at nagmamahal ulit sa akin. Eto na po yung bunga ng mga extra allowances na hinihingi ko. Hehe. Kayo po ang best parents sa buong mundo. Alay ko po ang thesis na ito sa inyo :’). …nakakapagrefresh ako tuwing; nagtatanung ng ibang bagay, tulad ng homework, ang mahal kong kapatid na si Aiza *peace :p* at kapag kinakausap ko ang mga makukulit kong pinsan *peace ulit :p* …naiisip ko ang mga taong tumutulong sa amin, sa mga tita at tito ko na sina Auntie Sally, Mama Pops, Auntie Nanet, Tyong Lanie, Uncle Biyong, Auntie Helen, Auntie Trining, Auntie Benny at Lola Vicky. Salamat po sa lahat ng mga tulong niyo kay papa at mama.

 

…sa mga ibinahaging karunungan ng mga guro ko mula kinder hanggang high school, lalo na sa college; Ma’am Lynette, Ma’am Shine, Ma’am Faye, Sir Yanyan, Ma’am Binx, Sir Arjay, salamat po. Ma’am Rina, Sir Jawo, at Sir Roli – saludo po ako sa galing at bait niyo, The Best. Sa inyong lahat – sa dami ng mga itinuro niyo, eto lang ang aalalahanin ko, LAHAT. Mabuhay ang mga gurong tulad niyo.

 

…mabait, maintindihin, at magaling ang aming thesis adviser na si Ma’am Torres. Isa po kayo sa mga pinakamagaling na gurong nakilala ko. Sir Fong – salamat po sa pagtitiyagang basahin ang thesis namin. (segue) Sana po mag-open po kayo nang isa pang journ elective para makagraduate po ako on time =) *sabay peace sign* hehe.

…nandiyan ang mga hawsmeyts ko, Yana, AJ, Meg, Sarah, Ef na madali at masayang kausapin kapag nararamdaman ang pagod sa pag-iisip ng pwedeng isulat sa analysis, at nag-aalaga sakin pag may sakit ako. Shai, Sha, Grace, Nicki makakalimutan ko ba naman kayo e parang mga kapatid ko na din kayo. Salamat sa pagpaparamdam ng suporta at pagmamahal =’). Ma’am Remy salamat din po.

 

…sa mga tunay na kaibigan [ultimate groupmates pwede din, eatingmates pwedeng-pwede], na laging nandiyan, Rhoda, Mia, Titus, Bianca, Sheila. Luv q Kau. Gwynn, Eika, Joyce, Ana,… [at marami pa] na masayang kasama, Salamat. Sa mga early birds, CAC1 -2007, haha, Salamat din. *apir*

 

…sa mga thesis partners ko. Si Tin na taga proofread, at nagpadami ng pages ng thesis dahil sa litanya nea sa individual analysis, char, *peace ;p*. Si Zen na naghanap ng dyaryo nea pero dyaryo ko ang nahanap [saklap, galing. haha]. Tapos na natin ang thesis :’). Akalain niyo yun? Natapos natin ang thesis ng hindi man lang nag-over night ng magkakasama at ng walang thesis house [starbucks, fiorgelatto at picarre naman]. Haha. Salamat sa tiwala. *sabay luha………. at tawa* Salamat. Luv q kayo :’)

 

…sa PDI, MB at PHILSTAR. Whoooo! Sa mga libraries around the world na nabulabog namin. Salamat po. Sa laptop ko na nagloko sa kalagitnaan ng thesis, salamat at hindi mo sinira ang mga files ko. Sa kama ko na hindi nagrereklamo sa bigat ko, dagdag pa ng lahat ng thesis materials ko. Sa YM na nagsisilbing conference room kapag nasa kanya-kanyang bahay kaming tatlo. Sa lahat nang mga hindi sinasadyang makalimutang banggitin, Salamat po.

 

…sa tulong ng nag-iisang bestfriend ko. Salamat Po sa lakas ng loob na binibigay mo sa akin. Lagi Ka Pong nandiyan. Salamat sa lubos na pagmamahal. Sa’yo po, alam ko kakayanin ko ang lahat. Mahal na mahal Po kita LORD JESUS.

 

…sa Unibersidad ng Pilipinas Baguio. Ipinagmamalaki kita. SALAMAT :’)

 

Dhonalyn Padua Agorilla